Saturday, April 30, 2022

Duterte Legacy Caravan sa Zamboanga City, isinagawa


ZAMBOANGA CITY, Apr 30 (PIA) - Muling pinalawak ng ibat ibang ahensya ng gobyerno ang paghatid ng mga serbisyo sa mga residente ng zamboanga peninsula sa pamamagitan ng Duterte Legacy Caravan. 

Mahigit sa dalawang daang benipisyaryo mula sa indigent community ang nabigyan ng gamot at ayuda mula sa mga ahensya. Kabilang na rito ang mga serbisyo mula sa Pag-ibig, SSS, PSA ,pagbabakuna laban sa COVID-19 at marami pang iba. 

“Malaking tulong talaga ito sa amin lalo na sa aming pamilya lalo na po ang libreng chek-up para sa aming kalusugan at sa aming hanapbuhay. Nagpapasalamat kami sa gobyerno sa mga naibigay nila lalo na para sa mga araw na to," ani ng isang benepisyaryo na si Myrna Monteverde Tabugara.

 

Dagdag din ng isang benepisyaryo na si Jeanelith Colongon ang kanyang pasasalamat, “salamat po dahil nasama kami ngayon sa programa, dahil hindi po namin inakala na matutulungan kami ngayon ng gobyerno, malaking tulong na po ito pati gamot po sa mga bata.”

 

Sa pamumuno ng Philippine National Police (PNP) Regional Office patuloy ang pagsasagawa ng caravan sa iba't ibang probinsya sa rehiyon na layuning mas maparami pa ang maabutan ng serbisyo at mas mapalapit ang gobyerno sa mamamayan at tuluyang mawakasan ang insurhensiya.  

 

“Ang duterte legacy caravan ang ating purpose ay iparamdam ipaalam sa taong bayan ano ang nagagawa ng duterte administrationkasama natin ang lahat ng agencies, its whole of society approach  kasama ang civil society groups,” ani ni PBGEN Franco Simborio, Regional Director ng PNP Region 9.

 

Ayon sa PNP, kahit na sa pagtatapos ng administrasyong Duterte, patuloy ang kanilang tulong at serbisyo sa bayan. (MLE/PIA9-Zamboanga City)

 

 

No comments:

Post a Comment