Friday, May 6, 2022

Final testing at sealing sa Zambo City, isinagawa


ZAMBOANGA CITY, Apr 28 (PIA) - Naihatid na ang 638 Vote Counting Machines (VCM) sa mga presinto sa buong Zamboanga City at naisagawa na rin ang final testing and sealing sa mga ito.

Umaabot sa 445,240 ang bilang ng mga inaasahang boboto sa lungsod sa lunes.


Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Zamboanga City, mula sa mga naisagawang testing, wala pang isang porsyento ng VCM units ang nagkaaberya kaya't walang dapat na ikabahala lalo't  may stand-by technical support para agarang tugunan ang mga magkakaroon ng problema sa mga VCM.



“Meron po tayong technical support staff sa every voting center, sila po yung magrereport sa atin para sa procedure, yung last resort po natin kung talagang sira yung ating machine, meron naman tayong technical hub sa Zamboanga City marereplace o marerepair agad ang machine na sira,” sabi ni Atty. Stephen Roy Caรฑete, Election Officer ng (COMELEC) Zamboanga.


Puspusan din ang paghahanda ng police regional office sa lungsod upang matiyak ang seguridad ng mga presinto, “nag umpisa na rin ang pagdeliver ng VCM at ballots kaya tinitiyak po namin ang pag escort nito para makarating sa mga polling centers, andyan yung pag augment ng karagdagang pwersa lalo na sa mga nakikita natin na election areas of concern o red area category,” sabi ni PCOL Lou Evangelista, Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office IX.


Payo ng COMELEC sa mga botante, magdala ng kodigo o listahan ng mga kandidatong iboboto para mas mapabilis ang proseso.


Mayroon ding voters assistance desk sa bawat polling centers para matugunan ang pangangailangan ng mga botante.



“I can assure na, on our part, clean at safe yung elections natin,” dagdag ni Atty. Caรฑete.


Tiniyak ng COMELEC Zamboanga City na handa na ang lungsod para sa darating na eleksyon at inaasahan na magkakaroon ng malinis at ligtas na halalan 2022. (RVC/MLE/PIA9-Zamboanga City)

No comments:

Post a Comment