By: Nilda T. Delos Reyes
Sa pangunguna ni Mayor Rose U. Furigay, bawat residenteng nakapagpabakuna na ay makakatanggap ng isang baldeng groceries. Ito ay regalo sa mga mamamayan na tumugon sa panawagan ng City Health Office (CHO) na mabakunahan.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Reaching Out Serving Everyone (ROSE) Program, bilang isang intensibong kampanya laban sa pandemya.
Ayon sa Lamitan City Health Office (CHO), umaabot na sa 48 percent ng mga residente sa siyudad ay nakatanggap na ng kanilang mga bakuna o COVID-19 vaccines.
Ang mga COVID-19 vaccine brands na nakahanda para sa mga mamamayan ng Lamitan City ay Sinovac, AztraZeneca, Johnson & Johnson, at Sinopharm.
Patuloy pa rin ang panawagan ng lokal na pamahalaan upang magpabakuna na sa pinakamalapit na vaccination center sa Lamitan City.
Base sa tala ng BAWAL COVID-19 Task Force, ang Lamitan City ay kasalakuyang may 59 kumpirmadong kaso ng COVID19.
(RVC/EDT/NDR/PIA9-Basilan)
No comments:
Post a Comment